SUÓNG! Mga Aporismo ng Paglusong at Pagsulong ni Gerome Nicolas Dela Peña (An Excerpt)
Maglayag ka sa pinakamalalayong dagat ng inyong pangarap. Walang dakilang bagay ang mahahanap sa pampang na iyong kinasanayan. Pagdating ng panahon, masasabi mo rin sa kaniya: “Ako pa rin ito, mas pinatibay lang ng iyong paglayo.” Nakikinig pa rin ako sa musika, sa himig ng iyong nag-aalab na mga mata…



