Send Orbillo - 8Letters Publishing Author

Send Orbillo

Si Send Orbillo ay isang guro, manunulat, writing coach, at freelance speaker. Layunin niyang matulungan ang bawat indibidwal na magkaroon ng malinaw na kaalaman patungkol sa self-love, self-worth, at pakikipagrelasyon sa pamamagitan ng kanyang mga isinusulat na aklat.

 Ilan sa kanyang mga naisulat ay ang romance novel na “My Own Happy Ending”, maiikling kuwento tulad ng “Kalsada”, “Peknoy”, “Si Mildo, ang Basuraman”, “Broken Christmas”, “Answered Prayer”, at “Si Red, ang aking Happy Pill.”

Nakapaglimbag na rin siya ng dalawang aklat sa kanyang Singleness Series, ang “Kahintay-hintay Ka”at “Karapat-dapat Ka”, mga self-help book tungkol sa paglalakbay bilang isang single.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa siya ng mga writing webinar patungkol sa “Paano Sumulat ng Kuwento” at “How to Write a Self-help Book” para sa mga baguhang manunulat.

Send Orbillo Books in 8Letters Shop

Other Books by Send Orbillo

Buy from Shopee