Description
Naranasan mo na ba magpakalasing?
Malamang sa hindi minsan sa buhay mo may moment ka kung saan ninais mong lunurin na lamang ang sarili mo sa alak upang magpakalasing. Gusto mong lunurin ang sarili mo sa pagbabakasakaling kasamang malulunod nito ang mga sakit na nararamdaman mo. Gusto mong makalimot kahit sandali.
O, minsan, gusto mo lang magkalakas ng loob na sabihin lahat ng mga kinikimkim mong mga sama ng loob sa puso mo na dulot ng mga taong minahal mo nang lubos pero sinaktan ka lang. Sinasadya man nila o hindi. Paulit-ulit man o minsan lang. Basta ang gusto mo lang ay maibulalas ang bigat na dala-dala mo.
Ang SHOT PUNO! ay mga kompilasyon ng mga tula at sanaysay patungkol sa mga rant ng pusong minsang nalasing sa pag-ibig. Ito ang mga iyak at hinaing ng pusong paulit-ulit na nagtatanong, “Mahirap nga ba talaga ang magmahal?”
Sa lahat ng ito, ano nga ba ang mas nakalalasing?
Alak?
Pag-ibig?
O, IKAW?
Halika na, tagay!
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.