Beauty and the Red Flags | Send Orbillo
₱410.00
Description
Si Beauty at ang Bagong Halimaw
Sa “Beauty and the Red Flags” ni Send Orbillo, binibigyan niya tayo ng isang karakter – si Beauty, isang NBSB na Wedding Coordinator – at doon pa lamang ay tula may pagka-balintuna na sa tauhang ito: siya ang tumutupad sa pangarap na wedding event ng kanyang mga kliyente, habang siya itong hindi pa nagkakaroon ng kasintahan maski kailan.
Pero ang balintunang ito ay niyakap ni Beauty – pinatunayan niyang siya ay isang “strong, independent woman” hanggang sa nakilala bi Beauty – tulad ng sa kwentong pambata kung saan hinango ang pamagat – ang kanyang “Prince Charming”.
Ngunit di tulad ng sa kwentong iyon kung saan halimaw ang unang anyo bago naging isang makisig at gwapong prinsipe, dito sa nobela ni Send, isang gwapo at makisig na prinsipe muna ang darating bago ito naging halimaw.
Sa pagbabaligtad na ito ay ipinakikita sa atin ni Send na bagamat wala sa panlabas na anyo o itsura ang kabutihang loob, ganoon rin ang kadiliman ng puso.
Ang ‘Prince Charming’ at ang kanyang mga ‘red flag’ ay ang bagong halimaw sa ating kontemporaryong panahon. Walang ‘true love’s first kiss’ na makapagbabagong anyo sa mga taong ito, at marami pang ‘Beauty’ sa ating mundo na tuluyan nilang mabibiktima.
Hindi naman naghahain ng solusyon ang nobela ni Send, at tingin ko ay unfair na hanapin ito sa nobela; nakikita kong layunin ng nobela ay maghain ng perspektiba, ng espasyo para sa pagbabago, at ihanay sa mambabasa ang ilang mga piyudal na ugali na nakaugat sa ating patriyarkal na lipunan.
Basahin at nawa’y matutuhan nating masipat ang mga red flat pati ang mga flag-bearers nito.
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.