Kaibig-ibig Ka | Send Orbillo | Self-help | Paperback

435.00

GUARANTEED SAFE CHECKOUT
Category: Tag:

Description

Kaibig-ibig Ka | Send Orbillo | Self-help | Paperback

Para sa mga nais makipagtagpo sa tunay na pag-ibig…

“Hindi ka kailanman hindi inibig…”

Napakatapang na deklarasyon at malamang hindi ka naniniwala sa linyang ito. Hindi ka nga ba talaga kailanman hindi inibig? Ikaw na nakaranas ng mga pagkakataon sa buhay mong hindi ka pinili, iniwanan, nagmakaawa, at nagpakabusabos para lang makaranas na pagmamahal? Lahat tayo ay may kauhawan na makatagpo at makaranas ng tunay na pag-ibig. Ang kauhawang ito ang nag-uudyok sa ating hanapin ang pag-ibig sa iba’t ibang landas ng buhay na kadalasan ay nagdudulot ng pagkaligaw. Madalas pa nga ay tumataya tayo sa walang kasiguraduhan para lang maramdaman natin minsan sa buhay natin ang magmahal at mahalin. Sa napakaraming nag-aalok ng pag-ibig, kanino nga ba natin mararanasan ang pinakawagas at makapapatid ng ating matinding kauhawan? Ang ikatlong aklat at huling bugso ng Singleness Series na Kaibig-ibig Ka ay magtatangkang landasin ang mahiwagang kalsada ng pag-ibig upang maranasan at makipagtagpo ang bawat isa sa atin sa bukal ng tunay na pagmamahal. Sa pagtatangkang ito, hamunin ang sariling maging matapang na maghubad sa anumang pagpapanggap at hayaang matagpuan ang awtentikong sarili na muling matutuhan kung paanong magmahal. Hindi ka kailanman hindi inibig dahil…

Kaibig-ibig Ka!

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.