Renato G. Nicdao, FSG
Si Renato G. Nicdao ay isang manunulat, screenwriter, at franchise consultant na nakabase sa Dubai, UAE. Nagsimula siyang magsulat noong high school at nagpatuloy sa kolehiyo bilang feature editor ng publikasyong pang-unibersidad. Kinatawan niya ang kanilang unibersidad sa isang regional literary writing competition at nagwagi bilang kampeon.
Naging kalahok din siya sa workshop (Batch ’27) ng Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula at Panitikan na si Ricky Lee, na higit pang nagpatalas sa kanyang kakayahan sa pagsusulat. Siya rin ay nagsasagawa ng mmga workshop sa pagsusulat. Siya ay kasapi sa Filipino Screenwriters Guild of the Philippines.
Ilan sa mga naisulat niyang short screenplay ay naisapelikula na at itinampok sa iba’t ibang film festival. Napanalunan niya ang Best Screenplay sa 8th Emirates Short Film Festival sa Dubai para sa shortfilm na Vindicta.
Bukod sa pagsusulat ng mga screenplays, sumusulat din siya ng tula, dagli, maikling kwento, at content scripts para sa mga social media groups.
Maliban sa malikhaing pagsusulat, si Renato ay isang Senior Consultant sa iFranchise-MENAT, kung saan siya ang may-akda ng iba’t ibang Franchise Operations Manuals para sa iba’t ibang negosyo. Dati siyang guro sa Ecumenical High School at naging instruktor sa Tarlac State University, kung saan nagturo siya ng kasaysayan, agham panlipunan, at humanidades.
Bilang isang OFW sa Dubai, patuloy niyang pinagsasabay ang mundo ng negosyo at pagsusulat. Isa rin siyang tagapagtaguyod ng mga Pilipinong manunulat sa ibang bansa, na nagsusulong ng malikhaing pagsulat at pagtutulungan sa loob ng komunidad.
MAGSULAT, MAGPATULOY, MAGPAMULAT

