Description
Vindicta
Ang kapangyarihan ay kayang magtago ng kasalanan—pero hindi habambuhay. Nang dukutin si Gobernador Sanchez, napilitan siyang harapin ang kanyang mga ginawa sa isang mapanganib na laro ng katotohanan at parusa. Sa isang mundo kung saan ang makapangyarihan ang laging panalo, may isang taong handang bumawi ng hustisya.
1820
Minsan, ang pinakamalupit na bilangguan ay ang sarili mong isipan. Si Matthew ay lumalaban sa lungkot, pagsisisi, at mga multo ng nakaraan. Habang lumalabo ang hangganan ng totoo at hindi, kailangan niyang pumili—lalaban ba siya, o tuluyan nang magpapatalo?
1714
Naubusan ng kama sa ospital. Wala nang lunas. Ang natitira na lang kay Mia at Jeremy ay dasal. Sa gitna ng isang pandemya, isang hindi inaasahang bisita ang dumating—at kasama niya ang isang milagro na hindi nila inakala.
ABO
Mula pagkabata, si Kyle na ang sandalan ng lahat. Pero ngayong siya naman ang kailangang kumapit, kaya ba niyang humingi ng tulong? Sa harap ng isang hindi maiiwasang laban, kailangang niyang harapin ang katotohanan tungkol sa pagkakaibigan, pag-ibig, at ang tanong na matagal na niyang iniiwasan—ano ba talaga ang mahalaga?
TRAPPED
Sa isang di-maipaliwanag na lugar, nagkita-kita sina Ion, Ressie, at Deppy—tatlong taong may kanya-kanyang pasanin sa buhay at desididong iwan na ito. Ngunit isang nilalang na tinatawag ang sarili bilang “Tagasundo” ang nagbigay sa kanila ng isang mabigat na desisyon: Isa lamang sa kanila ang maaaring mamatay, habang ang dalawa ay kailangang bumalik sa mundo ng mga buhay. Sa harap ng matinding pagsubok, kakayanin ba nilang magkasundo kung sino ang dapat magpatuloy at sino ang dapat sumuko? O may ibang kapalarang naghihintay sa kanilang tatlo?
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.