Kris S. Alarde Jr.
Isinilang siya sa Pinagtalyeran, Calauag, subalit lumaki siya at nagkaisip sa bayan ng Lopez, Quezon.
Nagpatuloy ng pag-aaral sa Bicol University at kumuha ng BSE Major in Biology at minor sa Physical Science.
Nang lumipat ng Laguna, lalong naging aktibo si Crispulo sa mga gawaing kultural, itinatag niya ang Teatro Dumalayan at naging aktibong pangkat pantanghalan sa Laguna at kasapi ng PASILAG o Pantanghalang Sining ng Laguna.
Nagpatuloy si Crispulo sa pagsusulat, pinasok niya ang pagsusulat ng mga literaturang popular tulad ng mga Love and Romance pocket books na halos 200 titles ang kanyang nailathala mula sa taong 1995 hanggang 2000. At nang maging guro sa Far Eastern University bilang propesor sa asignaturang Filipino at Literatura. Sa FEU, tinapos niya ang kanyang Doctor of Educational Management.
Naging Kasapi at Kalihim si Crispulo ng FEU Writers’ Guild at kasamang naging manunulat ng mga aklat sa asignaturang Filipino, tulad ng Sining ng Pakikipagtalastasan, Retorika at Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Ang isa sa likhang dulang Pantanghalan na nilikha ni Crispulo ay ang Makabagong Urbana at Felisa, isang musikal na itinanghal ng FEU Theater Arts Guild noong 2014.
Sa kasalukuyan, retirado na si Crispulo, nais na lamang niyang maisa-aklat at muling isisulat ang kanyang likhang pampanitikan.