Jovener Sotelo Soro
Si JOVENER SOTELO SORO, isang Tagalog-Ilokano. Kasalukuyang nag-aaral sa Benguet State University sa kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino.
Siya ay naging fellow sa palihang Benguet Indigenous Youth Arts Guild – Creative Writing Workshop taong 2022, PAMIYABE 20 Regional Creative Writing Workshop of Holy Angel University, Maningning Miclat Poetry Workshop na ginanap sa Far Eastern University, at Cordillera Creative Writing Workshop 2023 na ginanap sa University of the Philippines – Baguio City.
Iginawad sa kanya sa palihang PAMIYABE 20 ang 3rd Best Panelist’s Choice Award. Finalist din siya sa GAWAD Rene O. Villanueva – Pambansang Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay 2023, at nakatanggap ng Literary Writer of the Year sa Benguet State University S.Y 2021-2022.
Siya rin ay nakapaglimbag ng kanyang unang libro na pinamagatang “Sulatin ni Manasseh: Tula, Sanaysay, Maikling Kwento, at mga Sipi”.