Kalatas ni Ephraim: Likhang Malikhain | Mga Tula | Jovener Sotelo Soro
₱330.00
Description
Bakit nga ba?
Bakit nga ba ako sumusulat?
Upang ipahiwatig sa mga kabataan ngayon ang kapangyarihan nang pagsulat ng mga malikhaing akda at ang pagbasa.
=
Sa loob lamang ng dalawang taon mula noong kasama namin siya bilang isang Fellow sa kauna-unahang Benguet Indigenous Youth Arts Guild (BIYAG) Ped-agan Creative Writing Workshop noong 2022. Si Jovener ay nakasali na sa iba’t ibang prestihiyosong palihan gaya ng PAMIYABE 20 Regional Creative Writing Workshop of Holy Angel University, Maningning Miclat Poetry Workshop, at Cordillera Creative Writing Workshop. Ito din ang kanyang pangalawang aklat na nasulat. Hindi ako nagulat sapagkat marahil isa ako sa mga unang nagla-like sa kanyang mga posts na tula sa Facebook na parang almusal, tanghalian at hapunan ang dalas. Mapanlikha at produktibo, nakakamangha talaga si Jovener.
Sa kanyang sigasig, humahabi siya ng magandang pamantayan para sa mga kabataan na naghahanap ng halaga at kahulugan sa henerasyong ito sa pamamagitan ng pagsusulat. Itinatampok niya sa librong ito, “Kalatas ni Ephraim: Likhang Malikhain – Mga Tula”, ang mga lihim na damdamin tungo sa mga liham sa sarili, mga hilab ng karanasan tungo sa hilom at katatagan, at mga pagtimpla ng salita na nagdudulot ng kaluguran at kagalakan sa mambabasa.
Buo din ang suporta ng ating Gobernador ng Benguet, si Dr. Melchor D. Diclas sa mga kabataang manunulat at artist at maasahan pa ang mga kapakipakinabang na programa para sa kabataan. Nagagalak kami at binabati namin ang isang dalubhasa at National Artist sa kinabukasan. Mabuhay ka, Jovener!
Ryan C. Guinaran MD
Executive Assistant
Provincial Governor’s Office
Province of Benguet
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.