Ziya | Redbernwolf

₱630.00

Description

New school. New start. Iyon ang plano ni Ziya Miles nang lumipat siya sa Yukimura University. Tahimik lang sana. Walang gulo. Walang makakaalam ng mga bagay na pilit niyang kinokontrol at nililihim.

Lalo na ang mga boses sa loob ng kanyang isip. Pero mabilis magbago ang lahat nang mapansin siya ni Nayumi Yukimura, ang untouchable at intimidating na Student Council President na sanay makuha ang lahat ng gusto. Then there’s Margaux. Tahimik. Mabait. Dalawang tao ang lumalapit sa kanya. Pero pareho silang may tinatago.

Habang umiinit ang tensyon sa pagitan nilang tatlo, isa-isang namamatay ang mga estudyante.

Hindi malaman kung bakit mga lalaking estudyante lang ang nagiging biktima. Mas lumalakas ang mga boses sa ulo ni Ziya. Mga bulong na hindi niya mapatahimik. Mga bagay na tila may gustong ipaalala sa kanya… o ipagawa.

May mga bagay na siya lang ang nakakakita. May mga alaala siyang hindi sigurado kung nangyari ba talaga. Unti-unti, nagsisimula siyang magtanong.

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!