Yamang Isip: Panimulang Aralin sa Intellectual Property sa Pilipinas by FP Romero PHD
₱495.00
Description
Yamang Isip: Panimulang Aralin sa Intellectual Property sa Pilipinas by FP Romero PHD
Ikaw ba ay isang imbentor o mananaliksik na lumilikha ng mga imbensyon o solusyon na tumutugon sa pang-araw-araw na problema o pangangailangan ng lipunan? Ikaw ba ay isang negosyante na nagbebenta ng mga produkto o nagbibigay ng serbisyong ginagamit ng mamamayan? Ikaw ba ay isang indibidwal tulad ng kompositor, manunulat, pintor, makata, musikero, at ipa pa na gumagawa ng mga likhang sining o pampanitikang gawa?
O ikaw ba ay gumagamit at tumatangkilik ng mga imbensyon, solusyon, produkto, likhang sining o pampanitikang gawa upang mapatatag, mapagaan at mapakulay ang iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
Ang librong ito ay para sa iyo.
Ang Yamang Isip o Intellectual Property ay isa sa mga mahahalagang salik upang makamit ng isang bansa ang mataas na antas na kaunlaran sa ekonomiya, teknolohiya at sosyo-kultural.
Ang librong ito ay naglalayon na imulat ang bawat isa sa kahulugan ng yamang isip at malaman ang kahalagahan nito hindi lamang para sa mga manlilikha kundi para sa kabuuan ng isang bansa. Layunin din nitong mapataas ang pagrespeto sa mga karapatang pangyamang isip o intellectual property rights ng manlilikha tulad ng patent, tatak pangkalakal (trademark), at karapatang pangsipi (copyright).
Ang bawat sektor ng isang lipunan tulad ng pamahalaan, pribadong sektor, akademiya at ipa pang mga kaugnay na pangkat ay kailangan magtulungan upang makamit ng bansa ang isang BALANSE, MAAYOS at EPEKTIBONG sistema ng yamang isip.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.