TUDLA Mula Sa Dayong Banyaga: Mga Tula | Ibarra Banaag

₱390.00

Description

“Marahil, ang mga tulang ito ay akto nga ng pag-uwi ng tulad niyang halos dalawang dekada nang nananahan sa ibayong dagat. Sa mga mambabasa, isa itong paalala na huwag maging dayo sa sariling bayan, maging maalam at makialam.”
Mula sa Introduksiyon na “MGA TULA BILANG PAG-UWI” ni Mary Deane C. Camua, Guro, Bulacan State University

“Umiibig, nalulungkot, natutuwa man o nagagalit, nangungusap ang mga tula ng librong ito na punumpuno ng pagpapaliwanag, pagsusumamo at paghihikayat. Yayabong ang isip, lalalim ang pang-unawa, maantig ang damdamin at tataas ang ating diwa sa bawat hagkis ng TUDLA. Tinatamaan ako sa tuwing pagbasa. Tatamaan ka rin.”
RAYMUND B. VILLANUEVA
Mamamahayag, Bulatlat

“Sa bandang huli, inaangat niya sa kanyang mga tula ang kabutihan, pagiging matulungin, husay at kasipagan sa trabaho ng migranteng Pilipino sa antas ng integridad at dignidad.”
SONNY FERNANDEZ
Mamamahayag
Dating National Union of Journalists of the Philippines Director

“Bukod sa kabisado ni Ibarra ang mga galawan sa pag-aakda, ang kanyang akda mismo ay siyang talas na kailangan natin para magising bilang mamamayan. Maraming salamat sa ’yo, Ibarra. Isa ako sa mga sabik na nag-aabang na makita sa mga pahina ng libro ang mga akda mo. Panahon na rin para silaban ang mga sulo ng literatura para tarantahin ang mga kampante at mga natutulog. Mabuhay ka!”
Norman Wilwayco
Premyadong Manunulat
May-akda, Migrantik

Additional information

Weight 0.25 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!