Description
may mga pagkakataong sa pagkaka-upo nang matagal at sa pagtuon lamang sa hininga nagaganap ang kung anong paglalakbay patungo sa ilusyon ng sarili at makararating o makababalik sa kaisahan ng lahat-lahat/ mula sa mga kabundukan kung saan nakatindig ang nagtataasang mga punò at ang mga daho’y lumalatag sa taimtim na panalangin ng mga dagat at ilog/ at sa mga lawas ng tubig ay nananalamin ang mga bituin na sabay-sabay na nangangarap sa rilim ng sansinukob
Additional information
Weight | 0.5 g |
---|
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.