Description
Umamin siya. Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa taong itinuturing niyang kanyang “Knight in shining armor” sa makabagong panahon.
Subalit tinanggihan ang kanyang pag-ibig sa kadahilanang hindi raw sila nababagay para sa isa’t isa.
Nadurog ang kanyang puso at kasabay din noon ang unti-unti niyang pagkalimot hindi lang sa taong naging dahilan nang pagkirot ng kanyang puso, maging sa kung sino siya ay tuluyan na rin niyang nalimot.
Hanggang sa makilala niya si Hero.
Si Hero na hindi rin alam kung sino siya o kung ano dati ang pagkatao niya at kung saan siya nagmula.
Dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana at parehong nawalan nang pagkakakilanlan.
At sa pagtatagpo ng mga landas nila, magagawa nga kaya nilang mapunan o maibalik ang mga nawala sa kanila sa pamamagitan nang presensya ng bawat isa?
O mananatiling mapaglaro ang tadhana sapagkat huwad lahat ang kanilang mga ala-ala?
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.