Description
Isangdaan.
Puwede pala ‘yon, ano?
Sa Reader’s Digest ako unang nakabasa ng dagling may isandaang salita lang. Sa pagkaaliw sa konsepto ay nagpasa pa nga ako sa pagbabakasakaling makita ang pangalan ko sa kanilang magasin. Syempre talo, pero ayos lang. Nagsilbing praktis ‘yon para mabuo ang koleksyon ko ngayon.
Laman ng manipis na librong ‘to ang tatlumpu’t isang kuwentong hinalukay sa kailalim-laliman ng aking utak. Natutunan kong hindi naman sapat ang isandaang salita para maglarawan ng realidad, mainam naman itong panukat ng hangganan ng imahinasyon ng isang manunulat.
Alam mo bang may isandaang salita rin ang blurb na ‘to?
Additional information
Weight | 0.3 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.