Stopover Mga Tula ng Pagninilay at Paglalakbay | Gerome Dela Peña

290.00

Description

Ang mga tula ni Gerome ay simple—relate na relate kumbaga, ngunit may lalim, malakas ang tama, may mensahe ng pagkapagal, panghihi-nayang ngunit sa kalaunan naroon ang panawagan upang labanan ang mga pagsasamantala at mapagtagumpayan ang mga pagsubok.

Maliit nga lamang ang mundo, ngunit walang hangganan ang mga salita. Si Allan Paul at Gerome ay tulad ng mga titik na nabuo at naging mga salita. Literal ito. Nagkakilala sila dahil pareho ko silang kinuhanan ng pahayag sa artikulong isinulat ko sa Inquirer.net US Bureau hinggil sa mga mga karanasan ng mga gurong nasa Pilipinas, kumpara sa mga gurong nasa Amerika.

Wala sa aking hinagap na magtatagpo ang kanilang landas at sabay na hahabi ng mga tula. Mula sa Pasig, sa pag-arangkada ng mga jeepney at bus, narating ko ang Aroma Beach, Gitna, Pandurucan, naranasan ang brownout—ilan lamang sa mga salitang nagpabalik sa akin sa sinapupunang aking pinagmulan—ang San Jose, Occidental Mindoro.

Sa tulad kong nasa kabilang dulo ng Asya, ang mga taludtod ng mga tula ay muling pumukaw sa aking damdamin bilang isang Filipino at isang taga-San Jose.

Ang mga makatang tulad ni Allan at Gerome ay may mga ginagampanan sa lipunan. Ang kanilang mga tula ang ating konsensiya at nagpapaalaala sa atin na mahaba pa ang biyahe mag-Stopover muna. Magpahinga, magnilay at magtanong.

Eunice Barbara C. Novio
Journalist
2017 Plaridel Journalism Awardee for Feature Story,
Philippine-American Press Club USA
Nakhon Ratchasima, Thailand

Additional information

Weight 0.25 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!