SIMULA, GITNA, AT WAKAS Koleksiyon ng mga Dagli ni Lee Ralleca-Pascua
₱250.00
Description
SIMULA: LUMANG BAHAY
Hinayon ng tingin ni Dennis ang lumang bahay sa kanyang harapan.
Malinaw pa sa isip niya ang masasayang alaala doon ng kanyang kabataan. Ang paglalaro nilang magkakapatid; ang masasayang hapunan; at ang hindi malilimutang pagsasalo tuwing Pasko at Bagong Taon.
Subalit…
Wala nang bakas ng kasiyahan ang bahay ngayon. Wala na ring nakatira. Nilimot na. Gaya niya.
Tatlumpung taon na mula nang makulong siya. Kahapon, isa siya sa nabigyan ng pagkakataong makalaya.
At ngayon nga, naroon siya ulit, sa lumang bahay ng kanyang pamilya– mag-isa na at walang kasama. Gayunpaman, naniniwala siya, sa lumang bahay, muli, maari siyang magsimula.
==
Si Lorly “Lee” Ralleca-Pascua ay nagtapos ng kursong Development Communication at nagsimulang pasukin ang mundo ng masining na pagsusulat noong 2016. Nagsusulat siya ng mga nobela, maiikling kuwento at dagli sa iba’t-ibang online reading platforms at traditional publishing houses. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Laoag City, Ilocos Norte kasama ang kanyang dalawang anak na sina Lance at Sean at ang kanyang asawa na si Caesar Martin. Maaring mabasa ang kanyang iba pang mga akda sa ilalim ng sagisag-panulat na Jenny Javier.
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.