Shun Thy Dolour | Lierra Ann | 31Letters
Si Julie Antipala Mongado o mas kilala sa tawag na Lierra, nasa hustong gulang at naninirahan sa Trento, Agusan del Sur at nakatapos ng kursong pang-inhinyero. Pagguhit at pagsusulat ng iba’t ibang paksa ang kanyang libangan. Sa edad na sampu ay nagsusulat na siya, kaya mula noon ay nangangarap na siyang balang araw ay magkaroon siya ng sariling aklat at mailimbag ang kanyang akda.
Hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa pagsusulat, kahit na ilang beses man siyang na-reject ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa at patuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa pangarap. Hindi siya titigil sa pagsusulat pagkat naniniwala siyang maraming mga salitang nasa imahnasyon ang pwedeng maisulat para maging leksiyon sa reyalidad.
₱270.00
Description
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang laban sa buhay na minsan ay naghahangad din tayong makatakas. Mula sa bawat pag-inog ng oras, pagtibok ng puso at maging sa bawat paghinga. Minsan mo na rin bang naisip kung kailan ka hihinga o kung saan ang iyong pahinga?
Sa araw-araw ay hindi lang isa, dalawa, o tatlong beses mong ninanais tumakas mula sa lahat ng pighating hindi kayang ipahayag ng iyong sarili. Kaya sa pamagitan ng mga letra, malaya kang ipahayag lahat ng bigat na nadarama. Sa paraang hindi man kayang ihayag ng mga labi, pwedeng isulat ng kamay nang walang alinlangan at mula sa puso.
Kaya sa obra kong ito, ikaw at ako ang siyang nakasentro.
Additional information
Weight | 500 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 10 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.