Sent, Missed, Seen (SMS) | Marito Cases Tabbada | Anthology

380.00

Description

Sa panahon kung kailan maraming bagay maging ang komunikasyon ay mabilisan o instant, anong mga katotohanan ang mababanaag sa mga mensaheng ipinapadala at natatanggap?

Ang koleksyong ito ng mga nakaaantig na maikling kuwento ay sumasalamin sa buhay ng mga indibidwal na pinag-uugnay ng isang bagay: text message. Mula sa mga masakit na pamamaalam hanggang sa mga nakawawasak na rebelasyon, bawat kuwento ay naglalarawan ng mga sandaling bunga ng matinding emosyon na tuluyang bumago sa takbo ng buhay ng mga karakter.

Sa mga kuwentong ito, may huling mensahe ng isang anak sa kanyang ina, may pagpapahayag ng pagmamahal sa huling pagkakataon, at may mensahe na nagsilbing susi sa pagkakatuklas ng lihim. Ang bawat kuwento ay nag-iiwan ng sakit, mga naudlot na pagkakataon, at mga lihim na hindi nabunyag, na humuhubog ng isang kwento—na nagpapakita kung paanong ang simpleng text ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat. Ihanda ang sarili na maantig sa mga kuwentong nagsisimula o umiikot sa mga text messages.

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!