Description
Isang taon na ang lumipas nang iwan si Tough Villacencio, Grade 12-ABM ng Burnham State University, ng kanyang kasintahan. Hanggang sa ngayon, tinatanong pa rin niya ang sarili kung ang kawalan ba ng kanyang pang-amoy (anosmia) ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito. Nahanap niya ang sarili sa pag-aalaga ng bulaklak.
Isang sabado ng tanghali, magsasara na si Tough ng flower hhop nang may isang mamimili, Diana Gonzaga, Grade 12-ABM, na nangangailangan ng puting rosas para sa Death Anniversary ng ina. Dahil walang stock, inaya ni Tough si Diana sa flower farm.
Bumuhos ang malakas na ulan, bumahing nang bumahing si Diana at nalaman ni Tough na may pollen allergy pala ang babae. Anumang oras pwede itong atakihin. Masama man ang loob niya sa babae sa pag-iwan nito, hindi niya kayang pabayaan ito dahil cargo de consencia niya ito.
Paano kaya haharapin ng dating magkasintahan kung natagpuan na lang nila ang kanilang sarili sa isang bubong? Maging susi kaya ang kawalan nila ng pang-amoy para magkalapit o mas lalo pang paglayuin ng tadhana?
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.