Description
“Paano nga ba mabuhay nang matino sa bulok na sistema? Pinakita ng Sarì na posible. Pero ’di mo ’yan makikita kung palagi ka lang nasa loob ng classroom o nakatago sa comfort ng syllabus. Kailangan lumabas, maputikan, mapagod, masaktan. Ang sarap palang malaman na hindi ka nag-iisa, na may mga taong kagaya mo, naguguluhan din pero patuloy pa rin.”
NORMAN WILWAYCO Kuwentista at Awtor, Migrantik
Isa itong pas-de-deux kapuwa sa pag-aakda ng novella at pasalit-salit na salaysay ng mga pangunahing tauhan. Kaya’t malinaw ang interseksyon at talaban ng mga tinig, punto de bista, iba pang tauhang nabanggit o nasangkot, at iba pang komplikasyon sa lipunan at politika. Lalatayan ng akdang ito ang sinumang may malasakit pa sa bayan. Itinaas nina Antonio at Dela Peña ang antas ng pormang dagli, kaya’t maaasahan pa natin ang pormang nobelang may mga kumpol ng dagli kada kabanata na sakop ang mas malayong ibayo sa panibagong pagkakataon ng kanilang tambalan.”
DR. ERNESTO V. CARANDANG Manunulat at Full Professor DLSU Department of Literature
Madalas nating nakikita ang daglat na POV sa social media. Sa novella, kakaibang POV nina Luna at Marcus ang inihain sa atin nina Antonio at Dela Peña. Sari-saring POV itong humahamon sa mambabasang pasukin ang mundo ng mga tauhan at maging kaisa nila, maging sila, makinig sa kanilang mga kuwento, at samahan sila hanggang sa wakas ng novella.
Bawat kabanata ay nagmumulat. Walang dapat makaranas ng mga naranasan ng mga batang Aeta. Hindi dapat sapitin ng sinumang anak ang sinapit ni Bethany. Hindi dapat mangyari sa sinuman ang nangyari kay Ka Ruben. Sa sibilisadong panahong ito, wala na dapat umiiral na Lipar at Kiko sa ating lipunan. Hinahamon tayo ng nobela na lahat tayo, sa ating simpleng paraan at makakaya, ay dapat sikaping maging Rene Bonifacio, Luna, at Marcus.
Mahigpit kong inirerekomenda ang Sari sa lahat ng mambabasa ng panitikan. Ito ang isang tiyak na aasahan natin sa libro. Hindi ito nangangako ng gusto nating mabasa. Nangangako ito ng higit pa sa gusto at dapat nating mabasa.
DR. LHAI R. TAYLAN Assistant Professor, DLSU Departamento ng Filipino Awardee, KWF Gawad Dangal ng Wika
Additional information
| Weight | 0.25 g |
|---|---|
| Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.