Sa Tuwing Lulubog ang Araw | Senyor Madriaga

450.00

GUARANTEED SAFE CHECKOUT
  • Visa Card
  • MasterCard
  • PayPal
Category:

Description

“Siguro nga, ang pinakamadidilim na bahagi ng buhay ng tao ay ang siya ring pinakamaliliwanag. Iginigiya tayo ng nobela upang maniwala sa pag-asa, tanganan ito, at magsilbi ring ilaw sa iba. Sa kasaysayan ng nobela sa Pilipinas, hindi na bago ang pagpaksa o pagtalakay sa paniniwalang panrelihiyon. Ang ating kolonyal na karanasan ang pinakamalaking patunay rito. Subalit sa panahon ng postmodernong daigdig, supercomputers, artificial intelligence, kabi-kabilang tunggalian at digmaan, masasabing “sugal” ang magsulat at maglathala ng nobelang mahigpit na nakakawing sa religiosidad; maaaring paratangan kang direktang nangangaral o nagpapamayani ng didaktikong nosyon sa panitikan na isa sa pinaka-pinagtataasan ng kilay ng malalaki at/o higanteng kritiko ng panitikan.

Sa kabila ng mga ito, magandang pagmulan ng diskurso ang tangkang ito ni Madriaga na pagpanumbalikin ang sining na mahigpit na nakakabit sa pinakabatayang konsepto ng anumang paniniwala–ang pag-ibig. Pag-ibig na kapag tinunghayan, isang malaking sining biswal sapagkat nasa estilo ni Madriaga ang maingat na pagpili ng mga salita’t paglalarawan sa mga pangyayari sa akda. Bagay na matalas na armas ng sinumang nagnanais iguhit ang sariling pangalan sa mundo ng katha. Sa huli, ipinatimo sa atin ang katotohanang laging dakila ang akdang hinubog sa pananalig, hinubog sa pag-ibig.”

Gerome Nicolas Dela Peña Guro ng Filipino at Panitikan, Manila Tytana Colleges at De La Salle University – Manila May-akda, Bangkay sa Loob ng Jeep: Mga Sanaysay Hinggil sa Buhay

Additional information

Weight 0.25 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.