Sa Iyong Kanlungan | Rodmar Yvan Serafines

Si Rodmar Yvan Quinit Serafines ay isang seminarista, manunulat at musikero. Ang mga sanaysay na ito ang nakapagturo sa kanya na sa kahit saang lugar, siya ay nasa kanlungan ng Panginoon.

300.00

Description

Kumusta ka? Maligaayang pagbabasa ng librong ito! Sa aking pang araw-araw na buhay sa loob man o labas ng seminaryo, palagi kong naririnig ang tanong na “Ano nga ba ang panalangin?” Ito raw ay ang ating pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Sa pagbubukas ng Taon ng Jubileo 2025, hayaan mong ibahagi ko ang aking mga pagninilay ngayong Taon ng Panalangin. Ang mga sanaysay na ito ay ang aking mga karanasan kung saan ko nadama ko ang presensya ng Diyos sa tao man o sa kahit anong bagay.

 

“Ang bawat taon ay taon ng panalangin. Inilaan ang taon na ito upang mas mapalalim natin ang ating pananampalataya. Ngunit ang panalangin dapat ay magdala sa iyong kabanalan.”

– Fr. Joel Ricafranca, RCJ

Rector, Rogationist Seminary – Manila

 

“Higit sa isang seminarista, si Yvan ay matuturing na isang “lover.” Sa pamamagitan ng kanyang mga sanaysay, naipakita niya ang iba’t ibang uri ng pagmamahal para sa Diyos na kanyang “minamahal na tunay.” Hayaan niyong dalhin kayo ng kanyang mga salita’t panalangin sa nag-iisang pinagmulan at paroroonan ng pagmamahal – ang Diyos ng pag-ibig.”

– Fr. Johnny Esmilla Jr., OSA

School Administrator, Colegio San Agustin – Bulacan

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!