Quick, E! Senyor Madriaga
₱250.00
Description
“Di ba, ang sabi ko sa ‘yo, hindi pwede ang relasyon na gusto mo! Kapre ka, tao ako!” Masinsing pagpapaliwanag ni Martha, habang nakatingala sa napakalaking nilalang sa kanyang harapan.
“Sampung taon na akong nanliligaw sa ‘yo, mahal. Sampung taon! Sasayangin mo lang lahat ‘yon?” Maluha-luhang saad ng kapre, habang pilit nitong iniaabot sa dalaga ang pinitas na bulaklak ng ylang-ylang sa tinitirahang puno.
“Tigilan mo na ako, hindi kita gusto!” Bulyaw niya sa luhaang kaharap. Tumalikod siya at saka isinukbit sa leeg ang rosaryong kanina pa bitbit.
=
Senyor Madriaga /bente singko/ isang baguhang manunulat na tubong Ramos, Tarlac. At kung bakit ito ang pangalan niya, ‘wag n’yo na lamang tanungin dahil ‘di niya rin alam kung bakit. Aminadong tsismoso kaya nakapagsusulat. Nalunod at nagpatianod sa masalimuot na mundo ng panitikan nang makilala ang mga akda nina Efren Abueg at Eros Atalia. Isang guro, ngunit madalas mapagkamalang estudyante. May sariling negosyo (kailangang kumayod dahil may binubuhay na anak – si Meowie. Oo, isang aso!) Naging kontribyutor sa mga Antolohiya ng 7 Eyes Production (2020), TBC Publications (2021) at 8Letters (2022). Siya rin ay naniniwalang siya ang susunod na tagapagmana at tagapamahala ng mahiwagang “fujin” ni Aira Kirisawa
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.