Description
PM: Mga Tula | Gerome Nicolas Dela Peña | Paperback
“Pagninilay sa gabi, sa gahasa, sa karahasan, sa buhay social media, at sa pag-ibig ang ilan sa mga piniling paksa ni Gerome Nicolas Dela Peña sa kaniyang pinakabagong libro ng mga tula. Napapanahon ang kaniyang pagharap sa pananalinhaga sa ilalim ng rehimeng tokhang.
Sa kaniyang mga tula, mawawari kung paano tayo nabubuhay araw-araw sa karimlan. “Hindi ko na alam kung hanggang kailan,” sambit ng makata. Sa gawa ni Dela Peña, matatalunton natin ang panulaang nalalayo sa pagkahumaling sa wika, malayo sa mga pamamaraang tinatakda sa mga palihan at barkadahan ng Diliman, Katipunan, Taft, at España. Buhay na buhay ang tradisyon ng panulaang bayang Tagalog sa manunulat ng Pasig.”
CHARLIE SAMUYA VERIC
Guro, Ateneo De Manila University
May-akda, Histories, Boyhood, and The Love of a Certain Age
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.