Description
Ang Para Sa Mga Hindi Marunong Tumawa ay isang proyektong nabuo sa ilalim ng #31LettersChallenge ng 8Letters. Binubuo ang koleksyon ng 31 dagli ng kalokohan, kabaliwan, at katatawanan. Pinagtatawanan nito ang mga sitwasyong madalas kinahaharap ng mga kabataang Pilipino gaya ng pag-aabot ng bayad sa dyip sa “Pakisuyo,” pamimigay ng tsokolate sa Valentine’s Day sa “Tsokolate,” at paghahanap ng trabaho sa “Computer Engineer.” Ang ibang mga sitwasyon sa koleksyon ay seryoso ngunit pinipili pa rin ng koleksyon na pagtawanan ito hindi upang pagtawanan ang kamalasan ng mga mamamayang Pilipino kundi para ipakita ang kahangalan minsan ng pagtira sa Pilipinas. Mahirap man mabuhay sa Pilipinas, makahahanap tayo ng paraan para tumawa.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.