Pangangaluwa | Kristofer Ted Navarro | MitolohiyaPH | Fantasy

480.00

GUARANTEED SAFE CHECKOUT
  • Visa Card
  • MasterCard
  • PayPal

Description

Ilang buwan na ang nakakalipas, nagluluksa pa rin si Tix sa pagkamatay ng kanyang Kuya Michael at nakikita pa rin ang kaluluwa niya sa maliit na bayan ng Rekwerdo, ang kanilang probinsya kung saan sila bagong lipat. Ilang araw bago ang Araw ng mga Patay, natuklasan niya ang tungkol sa “Pangangaluluwa” na pinaniniwalaang makakapagtawid ng mga ligaw at gumagalang kaluluwa papunta sa kabilang buhay.

Ngunit sa araw ng pangangaluluwa ay mabubuksan ang malagim na nakaraan ng bayan ng Rekwerdo at malalagay sa panganib ang mga mamamayan at ang kanyang mga mahal sa buhay.

Mapapahinto at magagapi kaya ni Tix at kanyang mga kaibigan ang nagising na espirito at tuluyang matuldukan ang marahas na nakaraan ng bayan? At sa kabila ng lahat ng ito, tuluyan na kayang maka-alpas sa kalungkutan at pagluluksa si Tix at ang buo nilang pamilya mula sa pagkamatay ng kanyang kapatid?

TUNGKOL SA MANUNULAT
Si Ted ay nagtrabaho sa mga pelikula at ngayon ay nakatutok sa videography at pag-edit. Mula sa Olongapo City, naninirahan na siya ngayon sa puso ng Kamaynilaan kung saan siya ay bihag ng kanyang hindi matatawaran na hilig sa pagsusulat. Siya ang mapagmahal na ama ni Atreyu at matapat na asawa ni Anna Leah. Isa siya sa mga kontribyutor sa Pilipinas 2413 na inilathala ng 8letters. Ang “Pangangaluluwa” ay kauna-unahan niyang nobela.

Additional information

Weight 0.5 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.