Description
Dalawa lang ang pangarap ni Thomas B. Semaña, 17, Una, ang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ikalawa, ang mailathala sa buong mundo ang kanyang mga ginagawang komiks.
Ang mga pangarap na ito ay nadagdagan pa simula noong nagka-crush na siya. Subalit dahil sa kulay ng kanyang balat, kulot na mga buhok at estado sa buhay ay walang sinomang babae ang pumapansin sa kanya!
Upang maibsan ang lungkot na nararamdaman ay gumawa siya ng isang komiks kung saan siya ang bida at kasama ang ultimate crush at bungang-isip niyang si Amanda Resurecsion!
Sa sidhi ng kanyang damdamin at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay tila dininig siya ng langit nang isang araw ay maging totoong tao si Amanda!
Ano kaya ang magiging kapalaran ng buhay pag-ibig ni Thomas? Mahahadlangan kaya nito ang mga nauna niyang mga pangarap?
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.