Minsan Ganito ang Lasa ng Araw-araw | Nico Cabuyao | Poetry

318.00

Description

Minsan, ganito ang lasa ng araw-araw: may tuwa, may sakit, may pagod, may sugat, may luha, may luwag, may bigat, may realisasyon, may obserbasyon, at may lungkot—iba’t ibang damdamin at pisikalidad sa bawat galaw ng buhay. Hindi umiikot sa iisang eksena ang ating paglalakbay; maraming ganap, maraming nakatanghal, at sari-saring karanasan ang bumubuo sa ating mga araw.

Ngayon, puno ka ng sigla at liwanag na dala ng mga tala, ngunit bukas, maaaring maglunoy ka sa pagkasimangot, pagkapagod, at pagkawala ng kinang sa langit. May mga sandaling inaakala nating kakampi natin ang panahon, ngunit sa paglipas ng mga oras, tila hindi na mahagilap ang ngiti at kulay sa ating mga mukha.

Sa koleksiyong ito, bawat tula ay sumasalamin sa damdamin at karanasang maaaring makaugnay sa puso ng mambabasa.

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!