Mga Hugot at Huni: Mga Sanaysay at Tula | Danny Gallardo | 31Letters

290.00

Description

Ang aklat na ito ay nagpapahayag ng mga hugot at huni na nagmumula sa kaibuturan ng damdamin. Hinuhulma ng may-akda ang madamdaming mga salita at hinahabi ang mga taludtod ng diwa upang malayang maipahayag ang saloobing ibig kumawala.

Hayaang iduyan ang bawat isa sa saliw ng mga oyayi ng hugot at huni. Sa madamdaming paglalahad ng may-akda ay hinahabi nito ang mga bersong bubuo sa pag-iisa, hinuhuni ang mga salitang lilikha ng maaliw-iw na awit, hinuhugot sa sensitibong damdamin ang mga mapanabik na paglalahad, hinihimlay sa diwa ang nananariwang mga alaala upang bubuo sa pangarap, at hinahagod ang mga salitang nagpapaindayog sa makulay na buhay.

Handog ng may-akda ang mga sanaysay na hinuhugot at hinuhuni mula sa karanasan at hinahabi ang mga taludtod ng tulang mula sa busog na diwa’t damdamin. Halina’t pumaimbulog sa mundo ng hugot, huni at tula.

Additional information

Weight 0.25 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!