May Dila Ang Bulaklak | Franco Coralde Sangreo | 31Letters
₱295.00
Description
Sa daigdig ng mga tao, maririnig ang katagang, “mabulaklak ang dila.” Pero sa mundo ng mga
halaman, may dila ang bulaklak. Ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko, sila ay may sariling
wika. Nitong nakaraang 2023 lamang ika 17 ng Oktubre, nailimbag sa Nature Communications
(Green leaf volatile sensory calcium transduction in Arabidopsis | Nature Communications) ang pag-aaral ng pangkat ng mga siyentipiko sa pangunguna ng Japanese molecular biologist na si Masatsugu Toyota ng Saitama University tungkol sa lengguwahe ng halaman. Sa isinagawa nilang
pananaliksik na nakuhaan sa kamera, natuklasan nila na kapag nahaharap ang mga halaman sa
panganib, “nag-uusap” ang mga ito gamit ang wikang pang-amoy.
Sa koleksiyong ito, tinangka ng may akdang bigyang buhay ang wika ng mga bulaklak, ang
kanilang asal, ang kanilang damdamin, maging ang kanilang defense mechanism. Dito, posibleng
maramdaman mo ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang kulay at iba pang katangian
na maaari o malamang, pareho ng iyong karanasan.
Sana magbunga rin ang una niyang pamumulaklak.
Additional information
Weight | 0.5 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 20 × 10 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.