MANDA | Edelio P. De los Santos | Urban Fiction

₱411.00

Description

Once upon a time in Manda…

Beauty and brains ng Riles si Rose, 16-na-taong gulang. Malayo rin ang gusto niyang marating, at bukod sa napakaraming hamon sa papatapós na dekada 1980s, isang bagong salta sa Mandaluyong ang pinangangambahan niyang babago sa direksiyon ng kaniyang buhay— ang 15-anyos na si Rodel.

Gustong isipin ni Rose na bilang isang maalagang ate lang ang gusto niyang maging papel sa buhay ng guwapong binatilyo. Mapupukaw naman kay Rodel ang mas maigting na hilig sa musika dahil sa impluwensiya ni Rose. Sa mga magkasamang pagbili ng ensaymada sa kanto, mga palihim na paghahawak-kamay sa dilim, at palitan ng love letters sa isang pinaka-iingatang notebook, mamumuo ang pagtitinginan ng dalawa sa gitna ng magulo at nagmamadaling lungsod.

Isang magandang oportunidad ang dumating sa pagtatapos ni Rose ng high school. Si Rodel naman ay unti-unting hinahatak palayo ng pangarap na maging isang musikero. Handa na ba silang magkalayo at talikuran ang kanilang pagsuyong umusbong sa Mandaluyong?

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!