Maliliit na Bagay ni Kit (Koleksiyon ng mga Tula ng Pag-ibig)
₱340.00
Description
Nakatutuwang sa panahon ng mga pagdududa, pagkuwestiyon, pagkawatak-watak at iba pang kaguluhan sa lipunan, natatagpuan natin ang ating mga sarili na dumudulog sa sining. Sa kaso ng koleksiyong ito, kung paanong mahalaga o pinapahalagahan ang mga bagay na, maliit man sa paningin ng iba, malaki naman ang dulot sa iba pa. Sa puntong ito, pumapasok ang koleksiyon ni Kit ng mga tulang nahahagip ng munti nating mga mata sa araw-araw.
Sa koleksiyong ito,mababakas ang poetica at kaluluwa ng makata sa kung paanong nakikita niya ang maliliit at munti niyang pagtingin sa sariling sining ng pagbeberso:
“Nahuhulog tayo sa maliliit na bagay:
Sa simpleng pagbati, sa mapagbirong mga ngiti.
Maliit na bagay upang mapagkasya sa pusong
pinaglalagyan.
Maliit na bagay ngunit bakit laging umaapaw ang
nararamdaman?”
-Prof. Wilmor Pacay III,
Bonifacio Global City, Taguig
October 2019
Additional information
Weight | 0.5 g |
---|
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.