Liwanag: Pag-asa, Pananalig, Pag-ibig | Bert Banico
₱420.00
Description
Naipit si Sophia at Dan sa guho na matapos gumalaw ang West valley Fault Line na bumabaybay mula sa Angat, Bulacan hanggang Laguna. Sentro ng lindol ang Quezon City at karatig na mga siyudad. Sa daang libong nasawi at nasugatan, kailangan nilang mahanap ang mga mahal sa buhay, gayundin ang hiwaga sa pagitan ng kanilang nakaraan at mga sarili.
Tama ang sapantaha ng mga babala. Nahati sa apat ang buong Metro Manila. Naputol ang mga tulay, skyway at mga tren na deka-dekadang hinihintay para matapos. Nagdeklara ng state of emergency ang pamahalaan upang masawata ang taggutom, kaguluhan at bagabag na namamayani sa buong kalakhaang Maynila.
Susubukin ang pagkatao ng dalawa hanggang dumating muli ang nakaraang pag-ibig ni Sophia na si Eman na sa paghahanap ng liwanag sa kalagitnaan ng nagaganap na sakuna ay susuungin ang kahulugan ng pag-asa, pananalig at pag-ibig.
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.