Kabirthday ko si JC by Icasiano Flores

250.00

Description

Ating intindihing hindi lamang ang ating pamilya dapat pagkautangan kung anumang marating natin sa buhay. Bayan. OPO. BUWIS NG BAYAN. Bayang ginawa na ang lahat upang makabuo ng isang mapayapang pamayanang may pagmamahalan. Bayang humuhubog ng mga bagong lider, doktor, nars, mga guro, pulis, sundalo at iba pang mga propesyonal.
Bayang humuhubog din ng mga bagong manggagawang pang-industriya at mga bokasyunal na gawain. Kung anuman ang ating marating ay lagi nating bigyang tanaw ang mga taong nagbabayad ng buwis. Mga dahilan upang umikot ang ekonomiya, magtagumpay ang mga programang pampamahalaan at magkaroon ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.
Bilang ganti, mag-aral nawa ng mabuti ang mga mag-aaral. Mahalin ang pamilya gayundin ang kapwa. Sa pamilya nagsisimula ang lahat. Kung may mabuting pamilya tiyak na mayroong magandang bayan. Kapag dumating ang panahong ang mga bagong henerasyon naman ang magbubuwis, masasabing “Huwag ninyong sayangin ang buwis ng bayan.” Dahil darating ang panahong “kayo rin ang haharap at magbubuwis para sa susunod na henerasyon.”

Additional information

Weight 0.5 g

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!