Isang Pelikula | Jaret Co | Paperback

399.00

GUARANTEED SAFE CHECKOUT
Categories: ,

Description

Halintulad ng kuwento ng buhay ng naging kaibigang masahista sa baywalk, nakipagsapalarang mamuhay mag-isa ni Jaret sa pag-aasam na matakasan ang lagim ng mga bangungot at hilera ng mga trahedyang gumugupo sa kanyang pagkasino. Sa daigdig na ito ng mga gising na malayo sa mahiwagang babaeng wagas niyang sinisinta, maliligaw sa landas niya o siya sa kanila silang mga nilalang na makatutulong sa kanyang makabuo ng kuwento—isang contortionist sex freak, mga birhen at lagalag, filmmaker na mahilig sa mga pahiwatig, at silang bigla na lamang nililindol, namamatay, at tumatagos sa pader. Samantalang sa mundo ng mga nananaginip, isang binatang makata ang sumusulat ng isang journal ng mga bangungot habang nasa bingit ng bangin. At kasabay ng sandaling maisilang ang isang butas na kuwentong magpapalutang-lutang sa kawalan na magbubunga ng paghahalo ng kung ano ang totoo sa guniguni at ang gising sa himbing ay ang pagkaunawang silang pinangyaring magbuklod kailanma’y hindi na mapaghihiwalay.

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.