Description
Bawat salita ay may ibig ipahiwatig, bawat pangungusap ay may pangaral, at bawat pahina ay nagbibigay liwanag, lakas ng loob, paghilom, at pag-asa.
Ngunit paano kung ang librong nakatambak sa bahay mo ay biglang nagkaroon ng butas na naging lagusan ng mga nilalang na kumakain ng… libro?
Mga bisitang hindi inaasahan ang magbabago sa nakababagot na bakasyon ni Nexus. Kasama ang nakababatang kapatid na si Nova, at tatlong pinsan, ay kailangan nilang isantabi ang pagbabangayan at maghanap ng paraan para maisara ang lagusan sa libro ng ina bago pa tuluyang ubusin ng mga nilalang ang lahat ng mga libro sa bahay nila.
Makahanap kaya sila ng paraan para maisakatuparanang layunin?
Ano ang kinalaman at kaugnayan ng kanilang ina sa mga bisita at lalong-lalo na sa kalabang pilit isinasama ang kanilang ina papasok sa libro?
Sundan ang pakikipagsapalaran ng isang pamilyang gagawin ang lahat para protektahan at ipagtanggol ang isa’t-isa laban sa kapahamakan.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.