Description
Isang malaking kasinungalingan para kay Quina ang paniniwalang gaganda ang buhay kapag nakapagtapos ng pag-aaral. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang siya’y grumadweyt, ngunit sariwa pa rin ang mga salitang “We regret to inform you” sa inbox niya.
Sa sobrang desperasyon at pressure mula sa buhay, napadpad siya sa mga Hiring Pages sa Facebook at wala na siyang pakialam kung anong trabaho ang mapasukan niya dala-dala ang caption na: “Lahat gagawin ko sa trabaho. Ma-hire lang ako.”
At doon niya nakita ang misteryosong post: HIRING:SEEKERS. High pay. No experience needed. Immediate hiring.
Ngunit ang akala niyang golden ticket sa magandang buhay umano ay mauuwi sa isang impyernong nililihim ng mundong hindi pa handang magunaw. Sapagkat sa trabahong ito?
Hahanapin pala ang isang bagay na hindi naman dapat pang matagpuan. Dahil kapag nahanap nila ito, matatagpuan ng mga patay ang daan pabalik sa atin.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.