Description
Inilatag ni Aldrin ang ilang mahalagang muni tungkol sa interaksyon ng makata sa lipunan, kultura at bayan. Dumudukal siya sa kultura; gayon din, humahalaw siya sa karanasan na kapwa personal at komyunal. Mula sa pambungad hanggang sa pangwakas na tula, iginigiit ni Aldrin na hitik ang kultura natin sa mayayamang praktis na maipagmamalaking angkop na materyal sa pagtula. Hindi mababaw na laro lamang ang ganitong pakikipagsapalaran dahil nagbibitiw ang makata ng mga obserbasyon sa kung paano nabubuo, nakikibagay o minsa’y tuluyang nalalansag ang ating kultura. Ito ang masusing mga laro ng kaisipan na walang-pangingiming nilahukan ni Aldrin.
– Mula sa introduksiyon ni D.M. Reyes
Additional information
Weight | 0.5 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.