Hamugayway O Kung Paano Kita Patuloy na Iniibig | Denmark B. Soco
₱300.00
Description
Mapanghamon ang magsulat ng akdang pag-ibig. Isa itong mapanganib na imbitasyon sa mga mambabasa na hubdan ang mga akda, kilatisin ang halaga ng mga salita, at timbangin ang katuturan. Kaya malaki ang paghanga ko kay Denmark. Sadya man o hindi, iniwan niyang bukas ang pintuan ng kaniyang sarili. Patutuluyin ka. Babasahan ka ng mga tula na nagkukuwento ng mga danas pag-ibig. Hanggang maalala mo rin ang mga kuwento mo—no’ng umibig ka, nasaktan, at nagmahal muli. Hindi mo mamamalayan, nagpapalitan na kayo ng mga kuwentong pag-ibig sa isip. Matapos ang lahat, nahihiya ka man ay sasabihin mo kay Denmark, puwede ba akong bumalik muli at maglakbay sa iyong sarili upang hindi ko malimutan kung paano umibig? Muli mong bubuklatin ang mga pahina.
ALLAN PAUL CATENA, PhD
Guro. (Hindi) Taga-San Jose, Occidental Mindoro
May-akda, Tsinelas: Mga Tulang Naiwan sa Isla
Additional information
Weight | 0.25 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.