Description
Mula sa inobasyong paglikha ng Tan(g)ka ay muling magpapakilala si Danny Gallardo ng kanyang bagong inobasyon ng porma ng tula. Ito ay ang Haiku-nka (sintesis ng salitang Haiku at Tanka). Nais patunayan ni Gallardo ang hangaring lumaya sa kahon ng nakaugalian na magbibigay daan tungo sa metamorposis ng porma ng tulain.
Handog ni Gallardo ang mga berso ng Haiku-nka na babasag sa nakagawiang porma sa positibong hangarin na hulmahin, pagandahin at dalisayin ito para sa pagbabagong anyo ng tula. Mula sa paglikha ay hangad ang kumawala. Sa paglikha ay sisibol ang inobasyon. At sa inobasyon ay lilikha ng pagbabago. Oo, katulad ng Haiku-nka na sintesis ng salitang Haiku at Tanka.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.