Description
Palaging may rikit at pagkabanayad sa pagkukuwento ni Barcia. Una kang aanyayahan sa paglusong sa balon ng mga alaala hanggang sa hindi mo namamalayang nakikipaglunoy ka na sa pighati, galak, pagkabigo, at pangarap na paunti-unti niyang ipinakikilala. May kung anong haplos ang kaniyang wika. Lumilitaw ang kaniyang boses sa mga danas na matapang niyang inilalahad na nagbubunsod upang mas lalo pa nating naising makilala siya bilang isang manunulat, higit pa roo’y bilang isang tao, kapatid, anak, o kaibigan. Aahon ka sa balon na may bitbit na kung anong hindi mo maipaliliwanag sa mga salita. Marahil ganoon ang sining ng pananaysay ni Barcia: ang paglimiin tayo sa katapatan ng mga alaala, at ang turuang balikan ito upang pagsalukan ng panibagong lakas. Ang “Girumdom” ay hindi lamang koleksiyon ng mga sanaysay, ito ay pagmamapa sa mga katotohanang patungo sa pagtuklas ng mayamang danas na hindi karaniwang nabibigyan ng espasyo.
—Joseph Fernandez, nagkamit ng ikatlong puwesto sa pagsulat ng sanaysay sa 71st Carlos Palanca Memorials Award for Literature, taong 2023.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.




Reviews
There are no reviews yet.