Daringungo: Mga Tula | R.B. Abiva

180.00

Description

Sa ating buhay, may mga bagay-bagay na hindi natin maipahayag ng basta-basta, sapagkat itinuturing itong negatibo, kahit sa katotohanan ay hindi naman. Mayroon ding hindi talaga sapat ang salita na maipaliwanag ng mabuti ang damdaming ating nararamdaman. Ngunit ang mga ito ay likas lamang sa pagkatao. Sa koleksyon ng mga tulang ito ni R.B.E Abiva, gamit ang matalim at malikhain niyang mga talinghaga, inilulubog niya ang mambabasa sa isang mundo kung saan ang katawan, isip, at damdamin ay nagsasalimbayan sa isang masidhing pagninilay.

Ang Daringungo at iba pang tula ay binibigyang boses ang matimyas, marubdob, at masalimuot na damdamin ng mga tao-mula sa init ng pagnanasa, pait ng pangungulila, hanggang sa katahimikan ng pagmamahal. Mula sa sensual na pintig ng Daringungo, hanggang sa intelektwal at emosyonal na pagsisiyasat sa Sensia ti Kinatao, at ang mapanimdim na katahimikan ng Ayat, Aiel, Ayat, hinahamon ng koleksyong ito ang ating pagka-unawa sa pag-ibig, pagnanasa, at ugnayan ng mga puso’t kaluluwa.

Higit pa sa koleksyon ng mga tula, ito ay isang anyo ng paninilay-isang tahimik ngunit matunog na pagsisiyasat sa kung paano natin hinuhubog at inaaruga ang ating damdamin. Sa pagkapanalo bilang Ikalawang Gantimpala sa Gawad Takos 2025, patunay ang akdang ito sa lalim at husay ng panitikang Filipino sa kontemporaryong panahon.

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!