Description
Akala ko noong bata ako, lubos na nakakatakot ang kadiliman. Na mapanganib sa dilim. Na tuwing sasapit ang gabi, para bang may mga multong nagtatago sa dilim na biglang bubulaga, magpapakita, at mananakit sa akin. Hindi ko inakala na sa pagtanda ko ay lubos kong mamahalin ang kadiliman—yayapusin at magiging kaibigan. Napagtanto kong hindi naman pala nakakatakot sa dilim. Ang tunay na nakakatakot ay ang mga malulupit na reyalisasyon at katotohanan ng buhay na unti-unting gumagapang, nanakit, at nananakal sa tuwing sasapit ang gabi. At ang tunay na multo ay ang namatay kong mga mithiin at pangarap na dumadalaw at bumabagabag sa akin sa kalaliman ng gabi.
Ang Bawat Siguro, Sana, at Akala ay koleksiyon ng mga tula, dagli, at pagmumuni-muni na umiikot sa paulit-ulit na siguro, hindi maubos-ubos na sana, at walang katapusang akala sa buhay, pag-ibig, at lahat ng nasa pagitan nito. Ito ay nagpapatotoo na hindi nakakatakot ang gabi at kadiliman dahil ang gabi ay marahil para sa mga luha. Para sa pagmumuni-muni. Para sa mga pangarap na hindi naabot, na parang bulaklak na hindi bumukadkad ang talulot. Para sa pag-ibig na mapanakit. Para sa mga sugat na hindi pa naghihilom. Para sa mga pusong nag-aasam ng malaya at payapang isip at mundo.
Additional information
Weight | 0.5 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 20 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.