Description
Bario Sanib, isang tahimik at mapagbigay na lugar.
Ito ang pinaniwalaan ni Solley Marcelino.
Taon-taon ay bumibisita ang pamilya ni Solley sa Pilipinas upang magdiwang ng piyesta sa Bario Sanib. Kultura ng kanilang pamilya ang magdiwang ng pasasalamat taon-taon. Para kay Solley, bitin na bitin lamang ang maikling araw na bibisita sila sa Bario.
Kaya nang magdesisyon ang kanilang mga magulang na manirahan sa Pilipinas ay walang masisidlan ang tuwa niya at ng kanyang mga kapatid.
Pero magbabago pa kaya ang desisyon ng mga magulang niya nang malaman ang tunay na anyo ng bario? Magiging kampante pa kaya sila kung ang kanilang tinutuluyan ay pag-aari mismo ng isang manananggal?
Ano ang gagawin nila upang mabawi ang sumpa na sumanib sa kanilang Ina at bunsong kapatid? At paano naman nila susugpuin ang mga mantas kung mismo ang kanilang pamilya ang sumanib sa kadiliman?
Makakatakas pa nga ba sila sa Bario Sanib?
Additional information
Weight | 0.5 g |
---|---|
Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.
Reviews
There are no reviews yet.