Bari-Bari Apo | Arnel T. Lanorio

400.00

Description

Makahimalang napadpad ka sa isang lugar na malayo sa kinalakhan mong probinsiya. Ngayon ay masasangkot ka sa mundo ng mga engkanto at huli na nang malaman mo ang dahilan kung bakit at paano ka napadpad sa lugar na ito.

Napasubo ka sa isang atas na kailangan mong isagawa para makabalik ka pa sa iyong dating mundo. Ngunit hindi madali ang atas dahil kakaharapin mo ang katakot-takot na mga nilalang na kailan man ay hindi mo pinangarap makita o makasalamuha. Mga nilalang na sa rehiyon ng Ilocos namumugad.

Ganito ang masaklap na nangyari kay Kervy. Matatakasan pa kaya niya ang mundo ng mga engkanto? Ano-ano kaya ang mga nilalang na nakaengkuwentro niya? Makalalabas pa kaya siya nang buhay sa aklat na itim ni Lola Ikang na humigop sa kaniya? Hanggang saan kaya siya dadalhin ng kaniyang inengkantong kapalaran?

Additional information

Weight 0.5 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!