Ang Sabi Mo, Ang Sabi Ko | Gerome Nicolas Dela Peña | Poetry

290.00

Description

Salamat kay Gerome at palagi tayong pinaaalalahanang kaibigan natin ang wika. Ano’t anoman ang mga kinahaharap natin—bagyo, kalungkutan, pag-iisa, pangamba, at ang kawalang-katiyakan ng kinabukasan—maaari tayong dalhin ng wika sa “isang mahabang dalampasigan” ng posibilidad. Maraming kuwentuhan at mga sabi-sabi tayong nalilimutang ikintal sa ating isip dahil pangkaraniwan nga lang naman ang mga ito. Nakasanayan na natin bilang kaibigan, kasintahan, at anak na isilid sa kaibuturan ng ating loob ang mga di-malilimutang talastasan, dahil sino nga ba ang magpapahalaga sa mga ito bukod sa sarili natin?
RODA TAJON
Guro, UP Open University

Marami silang sasabihin ngunit ito ang sabi ko:

‘lagi’t laging kulang ang salita’ ngunit sa mga tula ni Gerome, hindi lamang salita ang salita kundi pag-ibig, kalibutan, pag-asa.

LARI SABANGAN
Editor at Mananaliksik, Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman

Sa koleksiyong ito, matatagpuan natin ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig: hindi laging malungkot, hindi laging nalulugmok, at lalong hindi laging nagnanasang saktan ang sariling damdamin. Malinaw sa makata ang nais niyang tulaan at maging ang nais niyang ibahagi sa mambabasa: umibig ka nang hindi nag-aalinlangan.

DENMARK B. SOCO
Awtor, Hamugaway (o kung paano kita patuloy na iniibig)
Fellow, Palihang Rogelio Sicat 16
Guro, Manila Tytana Colleges

Additional information

Weight 0.25 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!