Ang Liwayway at Sandekadang mga Dagli | Stefani J. Alvarez

450.00

Description

Hindi isang dramatikong pagtitipon ng mga basag-basag na salamin mula sa mumunting akda ang antolohiyang ito. Muling maninindigang ang totoong kuwento ay naghihimagsik sa loob at labas ng pagkukuwento tulad ng isang malayang dagli.

At papatunayang ang bawat paglikha ay hindi nangangahulugang pag-aakda ng memorya kundi ito ang mismong pag-aakda sa samot-saring paglikha ng memorya.

***

“Ang pagbabasa sa bagong kalipunang ito ay isang danas na sipatin ang dagli bilang bersiyong haiku ng mga nobela. Namnamin ang aklat at tuklasin ang sariling dagli ng iyong buhay…” —Dr. Eugene Y. Evasco, Palanca Hall of Famer

“Alvarez queers a century-old prose tradition in Filipino while braving through the obscured fringes of her own vulnerability, offering both revelation and rumination…” —Alton Melvar M Dapanas, awtor ng Towards a Theory on City Boys: Prose Poems (2021)

“Mistulang oda ng maraming beses niyang pagkakadapa— manapa’y ang maraming ulit ding pagtakas ng liwanag sa siwang ng kanyang mga sugat…” —Dr. Marco Antonio Rodas, Pangulo ng Brainspotting Philippines Inc.

“Pinatingkad ang kanyang mga akda dahil sa mga pinagtagpi-tagping mga gunita at mga personal na danas sa buhay…” —Perry C. Mangilaya, Manunulat

Additional information

Weight 0.5 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!