Ang Lingap ng Ama (Grayscale) | Jakeson G. Quiatchon | Poetry

₱600.00

Description

Pitumpu’t pitong tula tungkol sa pagmamahal, pananalig, pamilya, at mga ugnayang hindi kayang sukatin ng dugo.

Ang Lingap ng Ama ay hindi lamang koleksiyon ng mga tula at pamana. Ito ay paalala na ang pagiging magulang ay hindi lamang nasusukat sa dugo, ang pagiging anak ay hindi lamang nakatali sa pinagmulan, at ang pamilya ay hindi lamang binubuo ng mga taong magkadugo, kundi ng mga pusong marunong umunawa, magpatawad, magsakripisyo, tumanggap, at kumalinga.

Para ito sa mga magulang at anak, sa mga mag-asawa at magkakapamilya, sa mga pinalaki ng mga taong nagmahal sa kanila nang buong-buo, at sa sinumang patuloy na nananalangin para sa tahanang matatawag na kanila.

Sapagkat sa huli, ang pinakamalalim na pamana ng isang ama ay hindi ang mga salitang maiiwan niya sa pahina, kundi ang pagmamahal na ipinadama at ang mananatili sa puso ng mga taong kaniyang kinalinga.

Ito ay pamana—isang regalong itinago sa ika-pitong kaarawan at para sa araw na handa nang unawain ng puso ni Jaxon ang bawat salitang isinulat ng kaniyang ama.”

5 by 7.5 inches
Grayscale Print
Matte

Additional information

Weight 0.5 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!